Umiiyak ako ng palihim dahil sa mga kabiguan ko sa buhay.Sana nasasalamin natin ang kapalaran para alam natin kung may pupuntahan ba ang ating pinagtitiyagaan.Ayoko ng umasa o mangarap pero alam ko, kumpara sa ibang tao, mumunti lamang ang problema ko sa araw araw.Masuwerte pa rin ako kahit paano.Kahit na sa tingin ko walang kahulugan ng mga pagpapagal ko.Maswerte ako at may tahanan akong mauuwian araw araw.Di ko inaalala kung may kakainin ba ako?Ang pinaka mabigat na problema ko kung tutuusin ay kung paano ako di kakain at paano ko susunugan ang mga taba sa katawan ko. Minsanminsan kumakain ako sa mga lugar na di pa nga napupuntahan ng iba.KAYA kong mabuhay ng mag-isa lang ako kahit na sa kalooblooban ko ay syempre di ko kaya mawala sa paningin ang pamilya ko.
Marami akong pinanghinayangan na nawala sa buhay ko.May mga mithiin ako na di yata kailan man mangyayari pa.Mga pangarap ko ay mistulang mga buhangin sa dalampasigan...nahahawakan pero kapag kinuyom sa mga palad ay nahuhulog at kumakawala.Wala akong magawa kundi bumuntung hininga.Tiningala ko ang langit pero wala akong maaninag.Mawawala rin akong balang araw at mawawalan ng saysay.Ganoon din ang tangi kong pangarap.
No comments:
Post a Comment